Pinaalam ng Antipolo City Government na habang naghihintay ng karagdagang supply ng bakuna, hindi muna tatanggap ng Walk-In simula August 2, 2021 (Lunes).

Mga Scheduled Clients lang muna, na nakatanggap ng Text Confirmation mula sa ating Vaccine OpCen, ang tatanggapin para bakunahan.

Maaring pumunta ang mga nakatanggap ng Text Confirmation, para sa first o second dose, sa mga sumusunod na vaccination center: (https://bit.ly/3C1CWIu)

(1) Antipolo Cathedral – OLPS Gym2; (2) 2nd floor, Ayala Feliz; (3) 3rd floor, Ayala Feliz; (4) Ground floor, Robinsons Place Antipolo; (5) 3rd floor SM Masinag; (6) Ynares Center Gym; (7) 3rd floor, iMall; (8) 2nd floor, SM Cherry Antipolo.

Pinapaalala na Scheduled Clients lang muna na nakatanggap ng Text Confirmation mula sa Vaccine OpCen ang tatanggapin para bakunahan.

Maghintay muna sa Text Confirmation mula sa Vaccine OpCen ang mga nasa Ibang Priority Groups (B1, B2, B3, B4, B5, B6 at C) na nag-aabang ng kanilang bakuna.

Matatanggap ang text confirmation sa oras na may bakuna ng dumating.

Tiyakin na nakaregister sa bit.ly/antipolobantaycovid19. Huwag mag-alala dahil may Help Desk sa bawat ospital, bawat vaccination center at bawat barangay hall.

Magdala ng valid ID na nagpapakita na (1) Residente o nakatira sa Antipolo; o kaya (2) Nagta-trabaho sa Antipolo.

Samantala, hindi pa rin magagamit ang Bakuna Bus at sarado muna ang ibang Vaccination Centers dahil sa kakulangan ng bakuna.

Para sa ating kaalaman: http://bit.ly/BakunadoAntipoloGuide.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com/AntipoloVaccineOpCen

Para sa Password Retrieval at iba pang Bantay COVID-19 QR Code Concerns, magpa-assist sa https://www.facebook.com/AntipoloCityGovMIS.