Tatanggapin na mag walk-in sa mga vaccination centers sa Antipolo City simula July 29, 2021 ang mga A2 (Senior Citizens) at A3 (Persons with co-morbidities).
Ibibigay sa kanila ang Johnson & Johnson of Janssen vaccine.
Pumunta sa mga vaccination centers na ito:
(1) Second floor, Xentro Mall Antipolo, Sumulong Highway; (2) WalterMart Mall, Circumferential Road, Barangay San Roque; at (3) Second floor, SM Cherry Antipolo.
Pinapaalala na A2 at A3 walk-in lamang ang iba-vaccinate. Kung hindi A2 o A3 pinakikiusapang huwag na magpumilit.
Bibigyan naman ng second dose ang mga nakatanggap ng text confirmation sa mga vaccination centers na ito:
(1) Antipolo Cathedral – OLPS Gym; (2) Second floor, Ayala Feliz; (3) Ground floor, Robinsons Place Antipolo; (4) Third floor, SM City Masinag; (5) Ynares Center Antipolo Gym; (6) Third floor, iMall; (7) Third floor, SM Cherry Antipolo.
Mayroon ding linyang nakalaan para sa mga Scheduled clients na nakatanggap ng Text confirmation mula sa Vaccine OpCen.
Para sa mga nasa ibang priority groups na nag-aabang ng kanilang bakuna, hintayin lamang ang text confirmation mula sa Vaccine Opcen.
Ipinapaalala rin sa mga walk-in na kailangang nakaregister sa bit.ly/antipolobantaycovid19.
May Help Desk sa bawat ospital, bawat vaccination center at bawat barangay hall.
Magdala valid ID na nagpapakita na kayo ay residente o nakatira sa Antipolo; o kaya naman nagta-trabaho sa Antipolo.